Biyernes, Pebrero 24, 2017





Bulag sa Katotohanan


        Tayong mga pinoy ay masaya na kapag nagawa natin kung ano ang gusto natin pero minsan hindi natin naisip kung ano ang epekto nimo sa atin sa darating na panahon. Ginagawa natin ang mga bagay na hindi dapat gawin kaya nagdudulot ito ng problema sa ating bayan. Alam natin na tayo lang ang makapag-ayos sa ating problema pero minsan umaasa tayo sa mga taong hindi naman tutupad sa kanilang pangako. Sa panahon ngayon, mahirap na pumili ng tao na mapagkatiwalaan dahil puro lang pangako na hindi matupad, kasinungalingan na nagdudulot ng pagkasira ng relasyon sa magkaibigan at iba pa. Isang halimbawa na ginawagawa na mga Pilipino na possibleng makasira ng ating bayan ay ang pagbili ng mga boto sa mga politiko. Kung iisipin natin, ito ay isang gawain na hindi inisiip ng mga tao kung ano ang possibleng maidulot nito.

     Maraming sanhi kung bakit papayag ang mga tao na bilhin ang kanilang boto pero sa likod nito, sila lang ang naloko sa politikong binoboto nila. Isa itong problema sa Pilipinas na mahirap masolusyonan dahil kahirapan ang possibleng sanhi nito kundi dahil ito sa kakulangan sa kaalaman. Paano natin ito malutas na problemang ito kung ang mga "factors" nito ay hindi pa natin masolusyonan. KAHIRAPAN ang naddudulot kung bakit ang Pilipinas ay hindi umunlad dahil kapag mabibili lang ang mga boto ng tao, pinapayagan ng mga tao na malagay sa puwesto ang isang tiwaling politiko at hindi nila naiisip na habang nakaupo siya sa kanyang puwesto ay possibleng makuha niya ang pera na binigay simula pa noong siya ay hindi pa naka-upo sa puwesto at possible rin na madoble or triple ang makuhang pera ng dahil sa maling desisyon na ginawa ng tao. Malakas magreklamo ang mga mahihirap kung bakit hindi umumlad ang Pilipinas, mabuti sa mga taong hindi tumatanggap ng pera upang mabili ang mga boto. Hindi nila inisip na tayo din ang magdudusa sa kanilang ginawa at madadamay ang mga taong gumawa ng tama kaya isa ito sa mga problema ngayon. Madali lng mabulag sa katotohanan ang mga tao kapag pera na ang pinag-usapan kaya madalas sa kanila ay  napilit na gumawa ng mali dahil sa kakulangan sa pera at kakulangan sa kaalaman.

     Madali lang kontrolin ang mga mahihirap sa mga mayayaman dahil pera lang ang pagagalawin nila, sasabay na din ang mga mahihirap kaya madaling maloko ang mga tao ng dahil lang sa pera. Mahirap masolusyonan ang kahirapan dahil sarili lang nila, hindi na nila tinutulongan umasenso sa buhay kaya nananatili lang sila kung ano sila ngayon. Ang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao ay madalas ring inabuso ng mga tao dahil ang ibang tao ay maspabor sa isang bagay kaysa iba kaya maspaniniwalaan ang taong may kaya o masmalaking pabor. Masyadong makasarili ang ibang tao at hindi nila iniisip kung makaapekto ba ito sa ibang tao. Dahil sa mga problemang ito, unti-unting nasisira ang koneksyon sa bawat isa natin kahit isang lahi lang tayo, parang nagkasiraan tayo sa ating sariling lahi. Hindi ito nakatulong sa ating bayan ngunit bakit ito nangyari sa ating bansa? Paano mananatiling magkaisa ang ating bayan kung palagi tayong nagsisihan sa mga ginawang mali ng isa. Paano mabigyan halaga ang ating pagka Pilipino kung ang ating katangian na hindi maganda ay hindi nakatutulong umunlad ang bawat isa sa atin. Nanirahan tayo sa isang bansa kaya tayo din ang gagawa ng paraan kung paano natin mahanapan ng solusyon sa mga problemang kinaharap natin araw-araw.

     Kung magkaisa tayo sa bawat gawain na ginagawa natin, maiwasan natin ang mga problema kagaya nito at maibsan ang mga suliranin sa ating bayan. Hindi sa lahat ng panahon ay pera lang ang solusyon o isang tao lang ang gumagawa ng paraan upang masolusyonan ang problema kundi tayong lahat ay gagawa ng paraan upang makatulong tayo sa pagpanatili sa kagandahan ng ating bansa at pagpanatili sa mga katangian bilang isang pinoy. Kailangan ng gisingin ang mga Pilipino ngayon upang hindi na muli makagawa ng makasariling gawain at makapag-isip tayo ng mabuti kung ano ang masnabubuti sa ating bayan. Kung gusto tayong baguhin ang ating bayan, baguhin muna natin ang ating mga katangian na hindi nakabubuti sa ating bayan upang mabago natin kung ano ang dapat baguhin. Huwag natin patatagalin pa ang mga suliranin sa ating baya, "habang may buhay, may pag-asa" kaya sa oras na ito, tutulong tayo sa ating bansa upang makamit nating ang pagbabago at mabuhay ng matiwasay.     
     


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento